Kasunod ng inaasahang pagtama ng bagyong Ompong sa bansa, inalerto na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga gobernador, alkalde at punong barangay na magsagawa ng kaukulang paghahanda.
Ayon kay DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año, naglabas na sila ng memo at warning sa LGU na layuning maitala ang zero casualty sa masamang epekto ng bagyo.
Binigyang diin din ng DILG Chief ang kritikal na papel ng local chief executives na manguna sa pagsasagawa ng preemptive actions para maging “listong pamayanan”
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2018-73, inatasan ng DILG Chief ang local government heads na iorganisa ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC) at magsagawa ng pre-disaster risk assessments sa mga lugar na kalimitang binabaha o biglaang binabaha at madalas na may landslide na sanhi ng matinding pag-ulan.
Kailangan ding ihanda at irepaso ng LGU ang kanilang contingency plans para sa hydro-meteorological hazards kung ang mga hakbang sa lokal na paghahanda ay sapat.