Bagyong Pepito, inaasahang lalakas pa sa mga susunod na araw; Tropical Cyclone Wind Signal no. 1, nakataas sa ilang bahagi ng Isabela at Aurora

Posibleng lumakas pa ang Bagyong Pepito sa mga susunod na araw at inaasahang magla-landfall ito sa Central at Norther Luzon bukas ng gabi o sa Miyerkules ng madaling araw.

Huling namataan ang bagyong Pepito sa layong 475 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.


Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga lugar na nasa silangang bahagi ng Isabela at hilagang bahagi ng Aurora.

Kasunod nito, asahan naman ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mindanao, Bicol Region at CALABARZON bunsod pa rin ng nasabing bagyo.

Samantala, magpapatuloy pa rin ang maaaliwalas na pahanon pero asahan ang pulo-pulong pag-ulan dulot ng thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Facebook Comments