Kumikilos ang Tropical Depression ‘Pepito’ sa direksyong Kanluran – Hilagang Kanluran palapit ng Northern-Central Luzon area.
Huling namataan ang bagyo sa layong 260 kilometers Silangan, Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 km/hr.
May bilis itong nasa 20 km/hr.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod:
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
La Union
Pangasinan
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bulacan
Pampanga
Bataan
Metro Manila
Rizal,
Hilagang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
Dulong hilagang bahagi ng Camarines Norte
Catanduanes
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa baybayin ng Aurora-Isabela mamayang gabi o bukas ng umaga.
Mataas din ang tiyansang lumakas pa ang bagyo at maging Tropical Storm bago tumama ng kalupaan.
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol, Quezon, Aurora, Cagayan at Isabela.
Mayroong mahihina hanggang sa katamtaman na minsay ay malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon, Romblon, Marinduque, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao at Caraga.