Bagyong Quinta, lumakas pa at isa nang tropical storm habang papalapit ng Bicol Region

Lumakas pa at isa nang ganap na tropical storm ang bagyong Quinta habang papalapit sa Bicol Region.

Huling namataan ang bagyo sa layong 345 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.


Dahil dito nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Catanduanes;

Camarines norte;

Camarines sur;

Albay;

Sorsogon;

Northern portion of Masbate (Baleno, Aroroy, Masbate City) kabilang ang Burias at Ticao Islands;

Southern portion of Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Mulanay, Catanauan, Lopez, General Luna, Macalelon, Gumaca, Pitogo, Unisan, Plaridel, Atimonan, Agdangan); at Marinduque.

Signal no. 1 naman sa:

Nalalabing bahagi ng Masbate at Quezon;

Laguna;

Rizal;

Batangas;

Cavite;

Metro manila;

Bulacan;

Pampanga;

Bataan;

Southern portion of Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan);

Occidental mindoro;

Oriental mindoro; at

Romblon

Visayas:

Northern Samar;

Northern portion of Samar (calbayog city, santa margarita, santo nino, almagro, tagapul-an, gandara, san jose de buan, matuguinao, san jorge, tarangnan, pagsanghan); at

Northern portion of Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, Jipapad, Arteche, San Policarpo)

Facebook Comments