BAGYONG SAMUEL | Higit 60,000 displaced individuals, naitala ng DSWD

Aabot sa 61,000 indibidwal o 17 pamilya ang na-displaced dahil sa pagtama ng bagyong depression Samuel sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Base sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response and Management Bureau, nasa 17,141 families o 61,574 individuals ang naapektuhan sa 128 barangay sa dalawang rehiyon.

Ang lahat ng evacuees naman sa siyam na siyudad at bayan sa Central Visayas at nakabalik na sa kanilang mga bahay.


Ayon kay DSWD spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova – ang mga apektadong Local Government Units (LGUs) ay may sapat pang pondo bilang ayuda sa kanilang mga residente.

Sa ngayon, ang DSWD ay magbibigay lamang ng assistance sa Western Samar.

Facebook Comments