Tumatawid na ng Burias Island ang typhoon Tisoy.
Humina pa ang lakas ng hangin nito na nasa 155 kilometers per hour at pagbugsong nasa 235 kph.
Bumilis ang kilos nito sa 20 kph sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone wind signals sa sumusunod:
Signal Number 3
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Camarines Norte
Masbate (kasama ang Ticao at Burias Islands)
Romblon
Katimugang bahagi ng Quezon
Marinduque
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro
(kasama ang Lubang Island)
Batangas
Cavite
Laguna
Signal Number 2
Metro Manila
Bulacan
Bataan
Tarlac
Pampanga
Nueva Ecija
Katimugang Aurora
Rizal
Natitirang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
Calamian Islands
Cuyo Islands
Zambales
Pangasinan
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Aklan
Capiz
Antique
Iloilo
Guimaras
Hilagang bahagi ng Negros Occidental
Northern Cebu
Leyte
Signal Number 1
Southern Isabela
Mountain province
Ifugao
Benguet
Nueva Vizcaya
Ilocos Sur
La Union
Quirino
Natitirang bahagi ng Aurora
Hilagang bahagi ng Palawan
Natitirang bahagi ng Negros Occidental
Negros Oriental
Bohol
Siquijor
Natitirang bahagi ng Cebu
Southern Leyte
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – kasalukuyang nagdadala ang bagyo ng malalakas na hangin at pag-ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Masbate.
Maghahatid na rin ito ng malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Romblon, Marinduque, Mindoro, Metro Manila, Bataan, Pampanga, at Bulacan, maging sa Central Luzon, Samar, Biliran, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at hilagang bahagi ng Negros at Cebu.
Nagbabala rin ang PAGASA ng dalawa hanggang tatlong metrong taas na daluyong o storm surge sa coastal areas ng Batangas, Mindoro, Mariduque, Romblon, Ticao at Burias Islands, at katimugang bahagi ng Quezon.
May babala rin ng isa hanggang dalawang metrong taas na daluyong sa Camarines Norte, hilangang baybayin ng Southern Quezon, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales.