Bagyong Tisoy, papalabas na ng PAR ngayong araw

Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm Tisoy.

Huling namataan ito sa layong 540 kilometers kanluran ng Subic, Zambales.

Mayroon na lamang itong lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometers per hour.


Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – tanging hanging amihan na lamang ang nakakaapekto sa hilagang Luzon.

Mayroon ding tail-end of cold front na nakakaapekto sa silangang bahagi ng northern at central Luzon.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay asahan ang maaliwalas ang panahon.

Samantala, may binabantayang LPA na nasa silangan ng Mindanao pero wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Facebook Comments