Higit 500 Pamilya sa Isabela, Lumikas!

991

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 514 na mga pamilya o 1,486 na indibidwal ang lumikas patungo sa mga evacuation centers sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa report ng Isabela PPO, ang mga pamilya ay mula sa mga bayan ng Alicia, Benito Soliven, Cabagan, Luna, Roxas, San Isidro, San Guillermo, San Mariano, San Mateo, San Pablo, at mula sa Lungsod ng Cauayan at Ilagan.


Wala pa namang naitala na nasugatan o casualty kaugnay sa nararanasang pagbaha sa ilang bahagi ng Lalawigan.

Nakaalerto pa rin ang mga kapulisan na itinalaga sa mga evacuation centers at sa mga lugar na apektado ng pagbaha.

Facebook Comments