Bagyong Ulysses, bahagyang lumakas habang papuntang Philippine Sea

Bahagyang lumakas ang Bagyong Ulysses habang kumikilos papuntang Philippine Sea.

Huli itong namataan sa layong 635 kilometers Silangan Hilagang Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o sa layong 605 kilometers ng Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pabugsong 70 kph.


Kumikilos ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 40 kph.

Inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Bicol Region o sa Quezon sa Miyerkules.

Samantala, magdadala ng katamaman hanggang sa malakas ng pagulan ang tail end of a cold front sa Cagayan, Babuyan Island, Isabela at Aurora.

Habang makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon bunsod ng pinagsamang epekto ng easterlies at tailend of a coldfront.

Facebook Comments