Bubble training ng Philippine Athletics Track and Field Association, iniurong na sa 2021

29

Napagdesisyunan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na sa Enero ng susunod na taon na isagawa ang bubble training na gaganapin sa New Clark sa Capas, Tarlac.

Ayon kay PATAFA President Philip Ella Juico, ito ay para bigyan-daan ang grupo na nag-aasikaso ng mga kinakailangang permit para makapagsimula na sila sa pag-eensayo.


Magsisimula sana ang training ngayong buwan pero nagdesisyon itong i-urong para hindi na rin sila abutan pa ng bakasyon sa loob ng bubble camp.

Siniguro naman ng PATAFA na mahigpit nilang susundin ang minimum health protocols sa oras na magsimula ang ensayo.

Facebook Comments