Manila, Philippines – Hinihikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga bus company na may biyahe at tatawid ng karagatan na suspendihin na muna ang kanilang biyahe.
Ito ay dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja ngayong weekend.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, partikular na kanilang hinihimok ng NDRRMC ang mga bus companies na ang kanilang unit at isasakay sa mga roll on roll off vessels para hindi maipon ang mga istranded pasahero sa mga pantalan.
Nakataas na kasi aniya ang storm warning signal na nagbabawal sa ilang sasakyang pandagat na makabiyahe pa.
Sa ulat ng NDRRMC, mula sa Philippine Coastguard mayroon ngg 3057 stranded passenger, istranded rin ang 331 rolling cargoes at sampung barko.
Habang apat na barangay sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro ang binaha kung saan isang dike sa nasabing bayan ang nawasak.
Tatlong bahay din sa Naujan, Oriental Mindoro ang winasak habang lumikas ang tatlong pamilya.