Tumatawid ang Typhoon Ursula sa Visayan Sea at patungo na ng Northeastern Iloilo Area.
Huling namataan ang bagyo sa layong 90 Kilometers Timog-Timog Silangan ng Masbate City.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 130 Kilometers Per Hour at pagbugsong nasa 160 Kilometers Per Hour.
Kumikilos ito West Northwest sa bilis na 25 kph.
Nakataas na Tropical Cylone Wind Signals sa sumusunod:
Signal number 3 | |
Masbate (kasama ang Ticao Island)
Romblon Southern Oriental Mindoro Southern Occidental Mindoro Biliran |
Extreme Northern Cebu (kasama ang Bantayan at Camotes Islands)
Capiz Aklan Northern Antique Northern iloilo |
Signal number 2 | |
Katimugang bahagi ng Quezon
Marinduque Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island) Albay Sorsogon Burias Island Calamian at Cuyo Islands Northern Samar |
Eastern samar
Samar Natitirang bahagi ng Leyte Natitirang bahagi ng Northern Cebu Central Cebu Natitirang bahagi ng Iloilo Natitirang bahagi ng Antique GUIMARAS Northern NEGROS OCCIDENTAl |
Signal number 1 | |
Bulacan
Bataan Metro manila Rizal Cavite Natitirang bahagi ng quezon Laguna Batangas Camarines Sur Camarines Norte |
Catanduanes
Hilagang bahagi ng palawan Southern Leyte Bohol Siquijor Natitirang bahagi ng Cebu Natitirang bahagi ng Negros Occidental Negros Oriental Dinagat Islands Northern Surigao Del Norte |
Ayon sa PAGASA, magdadala ang bagyo ng mapaminsalang hangin at malalakas na ulan sa Extreme Northern Cebu at Southern Masbate.
Asahan ang paminsan-minsan hanggang sa madalas na buhos ng malalakas na ulan sa halos buong kabisayaan habang may panaka-nakang malalakas na ulan sa Bicol, Calabarzon, Aurora at hilagang Palawan.
Nagbabala rin ang PAGASA ng hanggang dalawang metrong taas na daluyong o storm surge sa coastal areas ng Northwestern Leyte, extreme Northern Cebu, Masbate, Aklan, Capiz, Northern Antique, Northeastern Iloilo, Romblon, Marinduque, at Mindoro Provinces, maging sa Calamian Islands, at cuyo islands.
Mapanganib na ring maglayag simula ngayong umaga sa Eastern Seaboards ng Luzon, Visayas, at Caraga.
Maglalabas ang pagasa ng bagong weather bulletin ngayong alas-5:00 ng umaga.