Drainage master plan ng Quezon City LGU, masusubukan sa harap ng banta ng La Niña

Kumpiyansa si Quezon City Mayor Joy Belmonte na masusubukan ang nagpapatuloy na implementasyon ng drainage master plan sa inaasahang mga pagbaha sa harap na rin ng banta ng nakaambang La Niña.

Partikular dito ang mga ipinatayong impraistraktura at ang mga puspusang clearing at dredging operations sa mga daluyan ng tubig at ang maayos na waste management.

Nakaistasyon na rin ang Local Disaster Risk Reduction Office sa mga istratehikong lugar para sa paglalagay ng early warning system para sa mga preemptive evacuation sa mga lugar na madaling bahain.


Facebook Comments