Bahagi ng 2 Barangay sa Santiago City, naka-calibrated lockdown

Cauayan City, Isabela- Isinailalim ngayon sa tatlong araw na calibrated lockdown ang purok 4 ng barangay Sagana at Purok 6 ng barangay Abra sa Santiago City matapos makapagtala ng positibong kaso ng COVID-19.

Ito ay batay sa ipinalabas na executive order no. 2020-10-07 na nilagdaan ni City Mayor Joseph Tan.

Nagsimula na ngayong pasado alas-6:00 ng gabi ang lockdown sa lugar na tatagal hanggang October 15 ng alas-9:00 ng gabi.


Nakasaad sa nasabing kautusan ang pagbabawal sa paglabas ng mga residente upang makaiwas sa banta ng virus subalit ilang batayan naman ang paglabas ng bahay kung may kakailanganing medical intervention o pagbili ng mga basic necessities na siyang magiging daan ang mga opisyal ng barangay o purok leaders.

Kinailangan din na pansamantalang ipasara ang mga establisyimento na sakop ng pagdedeklara ng calibrated lockdown.

Sa ngayon ay minamando na ng mga opisyal ng barangay ang inilagay na checkpoint katuwang ang kapulisan.

Facebook Comments