Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pansamantalang pagsasara ng bahagi ng Imelda Bridge sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue northbound kasunod ng pagbubuo ng Light Rail Transit-1 Cavite Extension Project.
Ayon sa Traffic and Parking Management Office ng lungsod, isasara na ito sa motorista simula mamayang 10 ng gabi hanggang 5AM kinabukasan, September 21.
Habang isasara ulit ito sa September 27 sa ganap na 10PM hanggang 5AM ng September 28.
Magbibigay-daan ito sa paglagay ng tracks at overhead catenary system ng tren.
Facebook Comments