Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gamitin para itulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang taal ang bahagi ng Road users tax na umaabot na ngayon sa 46 billion pesos at travel tax.
Sa pamamagitan ng isang privilege speech ay ipinaliwanag ni Recto na kailangan ang mga pondong ito dahil hindi kakayanin ng calamity fund ng batangas, na kanyang probinsya, ang gastusin.
Ipinaliwanag ni recto na 500 thousand ang kinailangang lumikas at kung gagastos ang mga ito ng 100-pesos sa pag-kain at iba pang kailangan kada araw ay aabot yan sa 50-million pesos kada araw o 1.5 billion pesos sa isang buwan.
Diin ni Recto, nasa 1.2 billion pesos lang ang calamity fund ng batangas para sa buong taon kaya wala na itong ipantutustos sa mga biktima ng kalamidad lalo na kung magkakatotoo na aabot ng 7 buwan ang sitwasyon.
Bukod dito ay kaisa din si Recto sa isinusulong na Taal Reconstruction Commission ng kanyang misis na si Congresswoman Vilma Santos Recto.