Bahay Aliwan sa Bayombong, Nueva, Vizcaya, Pansamantalang isasara sa Publiko dahil sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Ipinag utos ng Lokal na Pamahalaan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang pagpapalawig ng Social Distancing sa kabila ng banta ng Coronavirus o COVID-19.

Ito ay batay sa ipinalabas na Exeutive Order No. 13 series of 2020.

Ayon kay Municipal Mayor Ralph Lantion, ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at makaiwas sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.


Kabilang sa mga ipatutupad ay ang pagsasara ng mga bars, restobar, entertainment lounge, resorts, computer shop, multi-purpose hall, gymnasium, basketball court, badminton courts schools simula alas otso ngayong gabi hanggang alas singko ng umaga at tatagal ng hanggang March 31, 2020.

Dagdag pa ng alkalde, pinapayagan ang mga sari-sari store, convenience store, groceries, pharmacies, food deliveries gayundin din sa Bayombong Public Market.

Limitado naman ang magiging operasyon ng restaurants dahil kinakailangan na take-out delivery at mahigpit ang pagbabawal sa pagkain sa loob ng restaurants maging ang mga hotels, condotels ay maari pa ring mag operate ng kanilang restaurant subalit sa mga hotel guests lamang ito gawin.

Samantala, suspendido naman ang klase sa bayombong simula ngayong araw hanggang March 31.

Hiniling naman ni Lantion sa publiko na sundin ang lahat ng abiso ng mga awtoridad sa kabila ng pagdami ng nagpopositibo sa nasabing sakit sa bansa.

Facebook Comments