Bahay at warehouse ng kapitan ng barangay sa Hermosa, Bataan – niraid ng CIDG Bataan

Bataan, Philippines – Niraid ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Bataan, Provincial Public Safety Company at Intelligence Branch ng Bataan Police Provincial Office ang tahanan at warehouse ng isang punong barangay sa Hermosa, Bataan.

Sa inisyal na ulat, kinilala ang nadakip na si punong barangay Rex Cabiling, barangay kapitan ng barangay Mabuko, Hermosa Bataan.

Isinagawa ang raid sa bisa ng isang search warrant kung saan nakuha ang ilang mga baril at granada sa naturang lugar.


Ayon sa phone interview ng RMN Bataan kay Bataan Police Dir. S/Spt. Benjie Silo Jr. Bahagyang operasyon ng kanilang pagtugis sa pangunahing suspek sa pagpaslang kay Hermosa Municipal Councilor Danilo Basi Alyas Blade na pinagbabaril sa isang bukirin sa Barangay Mambug, Hermosa Bataan.

Si Councilor Basi at ang nadakip na kapitan ay sangkot diumano sa patulo o paihi ng gasolina at diesel o oil filterage.

Anggulo naman sa tunggalian sa pagnenegosyo ang tinitingnang motibo sa naturang krimen.
DZXL558, Mike Cigaral

Facebook Comments