Cauayan City, Isabela- Agad ipinag-utos ng mismong may-ari ng farm na si Ginoong King Sing ang agad na pagsasara at pagpapatigil ng operasyon ng poultry farm na inuupahan ng nagngangalang Valentino Paggao ng Reina Mercedez matapos itong ireklamo ng mga residente ng Barangay Minante Dos, Cauayan City dahil sa paglipana ng maraming langaw sa mga kabahayan.
Personal na ininspeksyon ng mga Barangay Official sa pangunguna ni Kapitan Saturnino Aggarao, Leonardo Agsunod, Sanitary Inspector ng City Health Office 1, at kung saan tumambad sa mga ito ang nakakasulasok na amoy at maruming manukan kung kaya’t napagdesisyunan ng may ari na ipatigil ang operasyon dahil sa epekto nito sa kalusugan ng mga nakapaligid sa naturang establisyimento.
Kimbinsido naman ang mga kinatawan ng Barangay at Sanitary Team na may paglabag sa environmental code kaya’t laking tuwa ng mga ito na ang mismong may-ari ang nag-utos para ipasara ang naturang manukan.
Humingi naman tawad ang may-ari ng manukan na si Paggao at aminadong huli na ng kanilang aksyunan ang pagdami ng mga langaw sa lugar.
Laking pasasalamat naman ng mga residente sa iFM News Team dahil agad na tumugon sa sumbong at ipinarating ito sa kinauukulan kaya’t agad na nasolusyunan ang problema.