Japan – Kapag naririnig naten ang salitang “styrofoam”, madalas nating maisip ang mga tungkol sa disposable food containers o packaging materials
Pero para sa isang Japanese modular home manufacturer, maituturing na building material ng hinaharap ang styrofoam.
Katunayan, popular sa Japan ang styrofoam dome houses na bukod sa mura at mabilis buuin, highly earthquake-resistant pa!
Minsan na rin itong napatunayan matapos na yanigin ng 7.0 magnitude na lindol ang Kumamoto City kung saan himalang hindi man lang napinsala ang nasa 480 styrofoam house sa kalapit nitong bayan sa Kyushu.
Samantala, sa halagang 7 hanggang 8 million yen o katumbas nang higit 3-milyong piso ay mae-enjoy muna ang pagtira sa dome house.
Facebook Comments