Bayombong, Nueva Vizcaya – Tinupok ng apoy kagabi ang bahay ni dating Congressman at Governor Atty. Rodolfo Agbayani sa Brgy. Don Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay ginoong Jun Felipe, volunteer ng Rescue 933 Nueva Vizcaya na pasado alas nuebe kagabi nang makita umano ng kapit-bahay ni Atty. Agbayani na nasusunog na ang pangalawag palapag ng bahay kung saan ay iyon din ang oras na nalaman lamang umano ng caretaker ang sunog.
Aniya hindi naman nasaktan at nakalabas kaagad ang caretaker na tanging nasa loob ng bahay dahil ang pamilya umano ni Atty. Agbayani ay nasa Farm House kahapon.
Sinabi pa ni ginoong Felipe na mabilis na kumalat ang sunog dahil sa marami umanong koleksyon na libro ang dating gobernador at dahil sa karamihan umanong parte ng bahay ay gawa sa kahoy o sinaunang disensyo.
Nadamay rin umano ang bahay ng kapatid ni Atty. Agbayani dahil sa ito ay nasa loob rin mismo ng compound matapos na nirespondehan ng mga kapit-bahay, BFP, PNP at Rescue 933.
Wala nama nadamay sa mga kapit-bahay ni Atty. Agabani dahil sa mayroon umanong firewall ang nasunog na bahay.
Samantala kasalukuyan parin ang imbestigasyon ng BFP Bayombong, Nueva Vizcaya upang malaman ang naging sanhi ng sunog.