Bahay ni Rep. Alfredo Garbin, nilooban!

Nilooban ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin ang bahay ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin sa Legazpi City, Albay.

Nangyari ito isang araw matapos paslangin si Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon sa Police Regional Office o PRO 5, pumasok ang mga suspek sa bintana na nasa ikalawang palapag ng bahay ng mambabatas.


Aabot sa mahigit kalahating milyon piso halaga ng pera at mga relo ang natangay ng mga salarin.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Facebook Comments