NBI, tutulong na rin sa kaso ng pagpatay kay Rep. Batocabe

Manila, Philippines – Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay Justice Spokesman Undersecretary Mark Perete, inatasan na ni Justice Secretary Manardo Guevarra ang NBI na tumulong sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa mambabatas at sa kasama nitong pulis.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NBI, posibleng nag-ugat ang pamamaslang sa isyung may kinalaman sa politika.


Giit ni Perete, agad silang maglalabas ng karagdagang impormasyon oras na makakuha ng datus sa ginawang pagpaslang kay Batocabe.

Facebook Comments