BAHAY SA TUGUEGARAO CITY, NATUPOK NG APOY

Nasunog ang isang bahay sa Tuguegarao City bandang pasado alas dyis kagabi, Agosto 8, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cagayan Provincial Information Office, sinabi ni Senior Fire Officer 1 Antolin Soriano ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cagayan na nagsimula ang sunog bandang 10:50 ng gabi at naideklarang fire out bandang 12:00 ng hatinggabi.

May apat na fire truck ng BFP Tuguegarao City, kasama na ang tig-isang fire truck ng Peñablanca at Solana ang rumesponde para maapula ang sunog.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ang bahay na nasunog ay may kalumaan na rin muls ng ipinatayo ito 70 taon na ang nakalipas kung kaya’t mabilis kumalat ang apoy at wala ng naisalbang mga kagamitan ng pamilya.

Maswerte namang walang naiulat na nasaktan sa sunog dahil walang tao sa bahay ng mangyari ang insidente.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Ophelia Cagurangan, 77 taong gulang. Kasalukuyang nakatira ang pamilya Cagurangan sa siyudad, sa Brgy. Caggay, Tuguegarao, Cagayan.

Patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang dahilan at halaga ng pinsala ng nasabing sunog.

Facebook Comments