Lalake nahulihan ng matataas na kalibre ng baril

103

Nadakip ng mga awtoridad sa pamamagitan ng buy-bust operation ang isang armadong lalake sa Batangas.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba ang suspek na si Vincent John Gumapac.

Nakuha dito ang (1) 5.56mm rifle, (1) cal.45 pistol, 2 pirasong steel magazine, 10 live ammunition para sa rifle, 59 na pirasong live ammuninitions para sa cal.45, kutsilyo, mga ID at ilang personal na gamit.


Ayon kay Alba, posibleng may gagawing krimen ang suspek dahil sa dala nitong mga baril at sandamakmak na bala pero mabuti na lang aniya at naging maagap ang kapulisan.

Inihahanda na ang isasampang kaso laban kay Gumapac partikular na ang paglabag sa Republic Act 10591 at Usurpation of Authority.

Facebook Comments