BATA, PATAY MATAPOS MAANOD NG TUBIG

19
Patay na nang matagpuan ang tatlong taong gulang na bata matapos tangayin ng tubig baha sa overflow bridge sa Kasibu, Nueva Vizcaya kahapon, Agosto 7,2022.

Kinilala ang biktima na si Hazel Jose, at residente ng Alloy Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon sa 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP, tinangay ng tubig baha ang sinasakyang motorsiklo ng biktima kasama ang nanay nito at kanyang tiyuhin habang tumatawid sa tulay noong Sabado, Agosto 6, 2022.

Nakaahon naman agad sa tubig ang nanay at tiyuhin ng bata at agad humingi ng tulong ngunit kinabukasan pa nahanap ang katawan ng bata.

Natagpuan naman ng mga mamamayan ang bangkay ng bata sa karatig Brgy. Pinayuhan kahapon.

Facebook Comments