‘Bahay Silangan’ sa bayan ng San Mariano, Pinasinayaan

Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni PRO 2 Regional Director PBGEN Crizaldo O Nieves ang inagurasyon at pagbabasbas sa katatapos na ‘Balay Silangan’ sa Barangay Sta. Filomena, San Mariano, Isabela kahapon, October 14.

Kasama rin sa nasabing seremonya sina Mayor Edgar Talosig Go ng San Mariano, Isabela, PCOL JAMES M CIPRIANO, Provincial Director, Isabela PPO at Dir. Joel D Plaza, Regional Director, PDEA RO2 para saksihan din ang itinuturing na Reformation House for Drug Dependents.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni PBGen. Nieves na ang ‘Balay Silangan’ ay kumakatawan sa pagtutulungan ng mga otoridad at mamamayan laban sa panganib na dulot ng iligal na droga.


Hinikayat din ni Nieves ang bawat is ana tumayo sa hamon ng paninidigan para sa seguridad ng publiko at kaligtasan

“Itong proyekto na ito ay isang konkretong patunay ng ating pakikiisa sa laban natin kontra sa ipinagbabawal na droga at sa ngalan ng Police Regional Office 2, ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mainit ninyong pagsuporta sa lahat ng aming programa na naglalayong mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan,” PBGEN Nieves saad niya.

Ang ‘Balay Silangan’ ay isang alternatibong interbensyon para sa mga nasangkot sa iligal na droga na hindi naman karapat-dapat na dumaan sa ilang medical treatment at rehabilistasyon na pinangangasiwaan ng Department of Health.

Isa rin ang nasabing programa para maideklara ang isang bayan o siyudad sa pagiging drug cleared municipality.

Facebook Comments