EPEKTO NG LINDOL | Ilang residente, sugatan sa Bukidnon matapos mabagsakan ng debris

95

Bukidnon – Sugatan ang ilang residente matapos mabagsakan ng debris ng mga government buildings at simbahan sa Barangay Indulang, Talakag, Bukidnon. Ito ay matapos tumama ang magnitude 5.0 na lindol kung saan nasira ang ilang bahagi ng barangay hall at paaralan sa talakag. Ayon sa Bukidnon Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office, hindi naman malubha ang tinamong sugat ng ilang residente kaya hindi na isinugod sa pagamutan. Naramdaman naman ang intensity III sa Cagayan De Oro at Iligan City habang intensity II sa ibang bayan ng Bukidnon at Misamis Oriental.

Facebook Comments