BAKUNA KONTRA ASF, MALALAMAN NGAYONG TAON KUNG EPEKTIBO AYON SA DA

Inihayag ng Department of Agriculture na malalaman ngayong taon kung epektibo ba ang bakuna kontra African Swine Fever o ASF sa kabila ng epektong nararanasan sa kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa Pilipinas.

Sa pagbisita ni DA Secretary William Dar sa Pangasinan, sinabi nito na under testing and trial na ang bakuna kontra asf at kapag ito ay napatunayang epektibo, ito na ang nakikitang solusyon ng kagawaran upang makaahon muli ang mga magbababoy ng bansa.

Aniya, bumaba na ang presyo ngayon ng karneng baboy sa merkado dahil sa isinagawang hakbangin ng ahensya.


Sinabi naman ni DA Regional Executive Director, Nestor Domenden na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng indemnification o bayad-pinsala sa mga magsasakang naapektuhan ng culling operation sa rehiyon.

Dito sa Pangasinan nagsimula nang linisin ang mga pig pens bilang paghahanda sa repopulation program.

Facebook Comments