Pinoy fighter na si Edward Kelly, panalo laban kay Ahmed Faress sa One: Full Blast sa Singapore

55

Panalo si Pinoy fighter Edward Kelly laban kay Ahmed Faress sa pamamagitan na split decision victory sa kanilang bakbakan sa ONE: Full Blast sa Singapore Indoor Stadium.

Ipinakita na agad ni Kelly sa unang bahagi pa lamang ang kanyang mabangis na grappling skills at counterpunches.


Nabatid na sa ikalawang round ay nakatama si Kelly ng matinding sipa kay Faress na nagpatumba dito.

Nagpakawala rin si Kelly ng leg kicks at body shots laban kay Faress kaya’t nangibabaw ito sa dulo ng naturang laban.

Facebook Comments