Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 1,946,840 doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Department of Health (DOH) Region 2 sa kanilang pinakahuling tala na may petsang Oktubre 17, 2021.
Mula sa naturang bilang, isandaang porsyento (100%) na ang naipamahaging bakuna sa 303 vaccination sites sa buong rehiyon dos.
Kaugnay nito, kabuuang 1,235,498 doses ang naiturok na kasama sa listahan ng priority groups.
Mula dito, nakatanggap na ng kabuuang bakuna kontra COVID-19 virus ang 574,142 indibidwal habang 661,356 ang nakatanggap pa lang ng first doses.
Samantala, ang average daily doses na itinuturok sa nakalipas na pitong (7) araw ay umabot sa 10, 847.
Muli namang pinaalala ng health authorities sa publiko ang ugaliing sundin ang minimum public health standards at ang paghikayat na magpabakuna.