BAYAN NG SISON NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMRAMING KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN; LIBRENG RT-PCR TEST NAGPAPATULOY

30

SISON, PANGASINAN – Nangunguna ngayon ang bayan ng Sison sa Pangasinan na may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19.

Sa kasalukuyan datos ng Provincial Health Office, nasa higit 120 na ang naitalang aktibong kaso sa bayan.

Dahil dito muling nanawagan ang lokal na pamahalaan na sundin ang umiiral na health protocols.


Dahil sa pagtaas na kaso dito ipinatupad ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate ng DOH maging ang pagsasagawa ng libreng RT-PCR sa mga residente na nakakaranas ng sintomas ng sakit. ###

Facebook Comments