Bakuna kontra COVID-19, target maibigay sa lahat ng mga Pilipino kahit pa sa mga ‘can afford’ ayon sa Palasyo

Pinabulaanan ng Palasyo na hindi sasagutin ng gobyerno ang bakuna sa COVID-19 sa may mga kaya sa buhay.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alinsunod sa Universal Healthcare Law, lahat ng mga Pilipino ay may karapatan sa mahusay at maayos na serbisyong pangkalusugan, kasama na rito ang bakuna.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Roque na sakali kasing magkaroon na ng bakuna magpapatupad ang pamahalaan ng prioritization sa mga dapat na maunang mabibigyan nito kasama ang mga benepisyaryo ng 4Ps, frontliners, mga pulis at sundalo.


Magkagayunman, hindi aniya maiaalis na may mga mayayaman o may kaya sa buhay ang hindi makapaghihintay sa kanilang panahong mabakunahan at gustong maagang makapagpabakuna.

Ayon kay Roque, hindi naman ito pipigilan ng pamahalaan basta’t handa silang magbayad ng bakuna.

Facebook Comments