Philippine Football Federation, kumpiyansang madadagdagan pa ang pambato ng Pilipinas sa Tokyo Olympics

Kumpiyansa si Philippine Football Federation President Marino Araneta na madaragdagan pa ang pambato ng Pilipinas sa darating na Tokyo Olympics.

Ayon kay Araneta, posibleng malagpasan pa ng bansa ang labing-tatlong (13) standard bearers na sumabak sa Rio Olympic Games noong 2016.

Sa kasalukuyan kasi aniya ay mayroong walong Pilipino ang may spot sa Tokyo Olympics habang may 41 atleta ang nakikitang pwedeng ipasok sa 13 na kategorya ng isports.


Gaganapin ang nausog na 2020 Summer Olympics sa July 23 hanggang August 8 sa Tokyo, Japan.

Facebook Comments