Bakunahan kontra COVID-19, dapat pabilisin sa gitna ng banta ng panibagong COVID-19 surge sa bansa

Dapat pabilisin ng bansa ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa gitna ng maagang senyales at banta ng panibagong COVID-19 surge sa bansa.

Ayon kay Dr. John Wong, founder ng Epimetrics at miyembro ng Inter-Agency Task Force technical working group for data analytics, dalawang beses na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa simula Mayo 18 at bumaba makalipas ang tatlong araw.

Dagdag pa ni Wong na nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga kaso nitong nakaraang buwan dahil nagpapakita ito na mas maraming transmission ang nagaganap.


Nauna nang sinabi ng OCTA Research Group na bahagyang tumaas ang Average Daily Attack Rate (ADAR), positivity rate, at healthcare utilization rate ng COVID-19 infection sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments