Bakunahan para sa A5 category sa San Juan, magpapatuloy ngayong araw

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng San Juan na magpapatuloy ngayong araw ang bakunahan para sa A5 category o indigent population o mahihirap na sektor ng lungsod.

Ito’y matapos buksan ang bakunahan para sa A5 category kahapon sa FilOil Flying V Center o San Juan Arena.

Batay sa kanilang datos, umabot ng 453 na A5 sa lungsod ang unang nabakunahan laban sa COVID-19 matapos itong ilunsad pasado ala-1:00 ng hapon kahapon.


Tiniyak naman ng Mayor Francisco Zamora na magpapatuloy ang kanilang bakunahan para sa A1 o medical frontliners, A2 o senior citizen, A3 o person with comorbidities, at A4 o economic frontliner.

Hinikayat din niya ang mga residente ng lungsod na magparehistro na para sa kanilang COVID-19 vaccination program.

As of June 12, 2021, ang lungsod ng San Juan ay nakapagbakunta na ng 38,192 indibidwal o katumbas ito ng 44.72% mula sa target population ng lungsod upang makamit ang herd immunity.

Facebook Comments