Bakunang ipinapadala ng DOH sa Region 4-A, dapat dagdagan!

Umapela si Cavite Governor Jonvic Remulla sa Department of Health (DOH) na dagdagan pa ang mga bakunang ipinapadala sa Region 4-A.

Sa Facebook post ni Remulla ngayong araw, ibinahagi nito ang ilang larawang nagpapakita ng pagkakaiba ng National Capital Region (NCR) at Region 4-A sa lebel ng natatanggap na bakuna

Sa NCR, umabot ng 12.2 million doses ng bakuna ang natanggap para sa 13.5 million populasyon.


Malayo ito sa 4.4 million doses ng bakuna ng natanggap ng Calabarzon (kinabibilangan ng; Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) na mayroong 16.2 million populasyon.

Giit ni Remulla, kahit sentro ng pandemya ang NCR, kailangan pa rin nila ng maraming bakuna dahil kalapit ng Calabarzon ang rehiyon.

Samantala, nasa high risk na ang bed hospital utilization rate sa Region 4-A kung saan hanggang nitong August 10 ay umabot na ito sa 72.9%.

Facebook Comments