Ilang Pinoy sa Afghanistan, nasa evacuation center na sa Kabul

Hindi bababa sa 18 mga Pilipino sa Afghanistan ang nasa evacuation center na ngayon sa Kabul.

Ayon sa naturang Overseas Filipino Workers (OFWs), naghihintay pa sila ng chopper.

Anila, sa Doha, Qatar ididiretso ang chopper na kanilang sasakyan.


Una nang nailikas sa Doha ang 32 mga Pinoy mula sa Afghanistan.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ginagawa nila ang lahat ng paraan para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Kabul.

Facebook Comments