Nagpatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) kung saan apat na heneral ang apektado ng rigodon.
Si Police Major General Dionardo Carlos na director ng Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM) ay inilipat para manguna sa Directorate for Police Community Relations (PNP-DPCR).
Si Police Major General Joselito Manalad Vera Cruz na nakatalaga sa Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) ng Western Mindanao ay papalit kay Carlos at napunta sa DICTM.
Si Police Brigadier General Alfred Corpus na Regional Director ng Police Regional Office 12 ay inilipat sa DIPO ng Western Mindanao.
Habang si Police Brigadier General Michael John Dubria na Hepe ng Civil Security Group ay magiging Regional Director na ng PRO 12.
Ang balasahan ay epektibo ngayong araw, May 20, 2020, base sa kautusan ng Director for Personnel and Records Management (DPRM).
Isinagawa ang balasahan dahil sa pagreretiro ng ilang opisyal ng PNP kabilang na si Major General Benigno Durana na dating director ng DPCR.