Balasahan sa POEA, pinaplano ng DOLE

Manila, Philippines – Planong balasahin ng Department of Labor and
Employment (DOLE) ang mga empleyado ng Philippine Overseas and Employment
Administration (POEA).

Ito’y kaugnay ng isyu sa direct hiring ng mga Overseas Filipino Workers
(OFW) papuntang abroad.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – mayroon na siyang listahan
ng mga pangalang sangkot sa naturang anumalya.


Dagdag pa ng kalihim – may anomalyang ginagawa ng mga empleyado ng POEA
kung saan kahit hindi umano qualified at hindi kasama sa exemptions ng
direct hiring ang nag-a-apply ay pinapayagan basta’t magbibigay lamang ng
pera sa empleyado.

Tugon naman dito ni POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez – binalasa na
ang mga direktor at iba pa nilang opisyal.

Base sa POEA Rules and Regulations, bawal sa batas ang direct hirings sa
mga OFW maliban na lang kung highly skilled worker ang aplikante gaya ng
doktor at nurse kung mapapatunayang kamag-anak ang magiging employer.

Facebook Comments