San Mateo, Isabela – Pinaghahandaan na ng bayan ng San Mateo ang kanilang pagdiriwang sa Munggo o Balatong Festival.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Municipal Agriculture Officer Emiliano Camba sa RMN Cauayan na magsisimula na ito sa ika pito hanggang siyam nitong buwan ng Mayo.
Ayon kay ginoong Camba, Bukod sa kapeng nagagawa mula sa balatong o munggo ng bayan ng San Mateo ay mayroon na itong ibat-ibang putahe gaya ng Pansit balatong, Canton balatong, munggo Icecream at cerelac munggo na ipinapakain sa mga bata.
Bukod dito ay matutunghayan sa kanilang gaganaping festival ang ibat-ibang aktibidad at patimpalak at matutunghayan din ang kanilang ibat-ibang barayti ng munggo na inaangkat pa ng mga ibang probinsya.
Inaanyayahan naman ngayon ni ginoong Camba ang lahat na dumalo at makisaya upang matunghayan ang kanilang inihahandang Balatong Festival.