Wednesday, March 4, 2026

BALAY SILANGAN BINUKSAN SA URDANETA BILANG SENTRO NG REHABILITASYON

Pormal na pinasinayaan kahapon, Marso 3, ang Balay Silangan Reformation Center sa Gracia Village, Nancayasan, Urdaneta City bilang bagong sentro ng rehabilitasyon ng mga dating tulak ng droga sa lungsod.

Ayon sa ulat, ang Balay Silangan ay pasilidad para sa values formation, skills development, at holistic intervention ng surrenderers at drug offenders para sa kanilang pagbabalik sa komunidad na sa nakatutok sa community-based rehabilitation programs.

Bukod dito, bahagi rin ng Balay Silangan ang pagbibigay ng spiritual at psychosocial counseling, livelihood training, health education, at aftercare programs.

Nakatuon rin ito sa pagbibigay ng oportunidad sa mga benepisyaryo na magkaroon ng kabuhayan at makibahagi sa lipunan bilang produktibong miyembro ng komunidad.

Pinagtibay ang kolaborasyon ng mga ahensya sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) at pagsagawa ng Pledge of Allegiance ng mga stakeholder bilang tanda ng kanilang suporta sa programa.

Kaugnay nito, pinangunahan ng City Government of Urdaneta kasama ang iba’t ibang ahensya at stakeholder ang naturang inagurasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments