Manila, Philippines -Kasado na ang “ Balik Eskuwela” program ng Metropolitan Manila Development Authority kasabay ng pagbubukas na klase sa mga pampublikong paaralan sa Lunes.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim – tututukan ng kanilang mga MMDA personnel ang mga lugar na malalapit sa eskuwelahan sa Metro Manila.
Upang hindi naman maka-perwisyo sa mga estudyante ang mga pagbaha ngayon opisyal nang idineklara ng pagasa ang rainy season tiniyak ni Lim na gumagana ang lahat ng kanilang mga pumping stations.
Araw – araw na rin ngayon ang ginagawang paglilinis ng MMDA ng mga basura sa mga estero na karaniwang nagiging dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.
DZXL558
Facebook Comments