BALIK-KULUNGAN | Isang pang preso na tumakas sa Bacoor City Custodial Center, nadakip na

Cavite – Naaresto na ang isa pa sa 23 bilanggong nakatakas sa Bacoor City Custodial Center.

Nakilala ang nadakip na si Kevin Riano na isa sa 16 na presong balik-kulungan na matapos tumakas noong Biyernes.

Matatandaan na ilan sa mga naibalik muli sa kulungan ay naaresto sa isinagawang manhunt operation habang ang iba naman ay kusang sumuko sa mga otoridad.


Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap pitong iba pa na nakilalang sina Ariel Villacampa, Marcelono Ruiz, Michael Salac, Junmarco Castro, Richard Manatad, Jason Daniel at Roland Ramirez.

Facebook Comments