BUY-BUST | Tricycle driver na nagbebenta ng droga habang namamasada, arestado sa Batangas

Batangas – Arestado ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng 11 sachet ng shabu sa Bauan, Batangas.

Nakilala ang nadakip na si Rey Anthony De Jesus alyas “Ryan,” 35-anyos.

Sa ulat, modus ng suspek na magbenta habang namamasada ng kanyang tricycle para hindi ito mahuli ng mga otoridad


Ginagawa din niyang cover-up ang pamamasada para makapag-ikot at makapag-deliver ng ilegal na droga.

Dahil dito, ikinasa ng pulisya ng buy-bust operation kung saan nakabili ng shabu ang isang poseur buyer habang tumatakbo ang tricycle.

Agad na kinorner ang suspek kaya ito naaresto at kasalukuyang nakakulong sa Bauan Police Custodial Facility.

Facebook Comments