Maguindanao – Sumuko sa militar ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Ampatuan, Maguindanao kamakalawa.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay matapos na sumuko, iprinesenta ang apat na BIFF kay Major General Arnel Dela Vega, Commander ng Joints Task Force Zampelan at kay Maguindanao Governor Ismael Mangudadatu.
Isinuko rin ng mga ito ang matataas na kalibre ng armas, kabilang na rocket propelled grenade, isang M16 rifle, Squad Automatic Weapon at Garand rifle.
Sinabi ni Dela Vega na naramdaman ng apat na BIFF na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang adhikain magkaroon na kapayapaan sa buong Mindanao kaya sumuko sa militar.
Hinikayat naman ni Dela Vega ang iba pang miyembro ng BIFF na sumuko na sa gobyerno.