Aminado si TNT guard Don Trollano na nanghihinayang siya at hindi makakapaglaro sa Philippine Men’s National Basketball Team.
Pero magkaganon pa man, masaya siya at isang de-kalibreng player ang papalit sa kaniya kung saan aniya malaking tulong ang maibibigay niyo sa kampaniya ng national squad sa basketball tournament sa 2018 Asian Games.
Hindi din isyu kay Trollano kung in-and-out ang nangyari sa kaniya sa line-up ng national team basta at ang importante daw ay handa siyang maglaro para sa bansa.
Dahil dito, babalik na ng Pilipinas si Trollano para makasama naman ang kaniyang mother team at paghahandaan na nila ang nalalapit na PBA Governors Cup.
Facebook Comments