SUICIDE BOMBING | Halos 50, patay sa pagsabog sa Afghanistan

Afghanistan – Nasawi ang nasa 48 tao matapos ang nangyaring pagsabog sa education center sa Kabul, Afghanistan.

Karamihan sa mga biktima ay mga estudyanteng kukuha ng entrance exam sa unibersidad.

Sa inisiyal na ulat, lumapit ang isang lalaki at biglang pinasabog ang dalang bomba.


Aabot naman sa higit 60 ang sugatan.

Wala pang grupong umaako sa insidente.

Facebook Comments