Manila, Philippines – Balik-senado si Senador Antonio Trillanes IV matapos makapagpiyansa ng P200,000 kaugnay ng kasong rebelyon.
Ito ay matapos maglabas ng arrest warrant at hold departure order (HDO) ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 na pabor sa hiling ng Department of Justice (DOJ).
Kahit halos isang buwan na siyang namamalagi sa Senado, iginiit ni Trillanes na hindi pa rin siya makakauwi at mananatili pa rin siya sa kaniyang tanggapan.
Aniya, kailangan pa rin niyang paghandaan ang mag susunod na mangyayari.
Sabi pa ni Trillanes, ikinadismaya niya ang pagbigay ng korte sa pang-pe-pressure ng Duterte Administration.
Facebook Comments