Balikatan exercises 2017, aarangakada na ngayong araw

Manila, Philippines -Kasado na ngayong araw ang pagbubukas ng Balikatanjoint military exercises 2017 sa pagitan ng mga sundalo ng pilipinas at estadosunidos.
 
Ayon kay Balikatan-Philippines Spokesperson, Major Frank Sayson –inaasahang dadalo sa seremonya ang mga matataas na defense at militaryofficials sa pangunguna nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP ChiefGen. Eduardo Año.
 
Magiging panauhin din sina Foreign Affairs Secretary EnriqueManalo at US Ambassador Sung Kim.
 
Sinabi ni Sayson – na magiging simple lamang ang konsepto ngbalikatan para sa taong ito taliwas sa mga nakalipas na balikatan.
 
Nakatuon aniya ang joint military exercises ngayong taon sa HumanitarianAssistance and Disaster Response, alinsunod sa direktiba ni Pangulong RodrigoDuterte.
 
Napagkasunduan ng dalawang panig na hindi lamang ukol sakakayahan sa paglaban ang hinahasa sa military drills, kundi maging angkapabilidad sa disaster response, lalo na kapag tumama ang malakas na lindol atpagbayo ng bagyo.
 
Isasagawa ang balikatan sa iba’t ibang panig ng bansa, gaya sa Aurora,Isabela, Batanes, Cagayan, Samar at iba pa.
 
Gaganapin ang opening ng naturang joint military exercises samain headquarters ng Armed Forces of the Philippines sa Kampo Aguinaldo.
 
 

Facebook Comments